LEGAZPI CITY – Nagpalabas ng direktiba ang Provincial Government ng Catanduanes sa mga lokal na pamahalaan na sundin ang ipinalabas na guidelines ng Department of the Interior and Local Government hinggil sa pagtitipid ng tubig.
Kabilang sa naturnag direktiba ang mga tanggapan ng pamahalaan ay mga dirtrict hospitals na nasa sakop ng pamahalaang panlalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Catanduanes Provincia Disaster Risk Reduction Management Office Emergency Operation Chief Roberto Monterola, batid na umano ng mga lokal na pamahalaan ang gagawin upang makatipid sa tubig dahil taun-taon naman na nakakaranas ng tagtuyot sa island province.
Sa katunayan, wala pa naman aniyang hiniginging tulong ang mga local government units sa gitna ng kakulangan ng tubig.
Ayon kay Monterola na naibibigay pa naman ng mga apektadong bayan ang pangangailangan ng mga residente sa suplay ng tubig.
Kabilang ang bayan ng Virac sa mga nakakaranas ngayon ng water crisis dahil sa panunuyo ng mga water sources subalit natutugunan pa naman aniya ito sa pamamagitan ng regular na water rationing sa mga apektadong barangay.
Aminado naman si Monterola na limitado ang pinagkukunan ng tubig dahil walang water tanker na posibleng mapagkunan kung sakaling biglang mangailangan.