LEGAZPI CITY- Namahagi ng tig-iisang sakong bigas ang provincial government ng Albay mahigit sa 80 hog raisers na naapektuhan ng mass culling sa bayan ng Tiwi, Albay.
Ito matapos makapagtala ng mga kaso ng African Swine Fever sa naturang bayan.
Ayon kay Albay Provincial Veterinary head Dr. Pancho Mella sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na apat na mga barangay ang naapektuhan ng ikinasang mass culling ng nasa 300 na mga baboy.
Sa kasalukuyan ay na-kontrol na umano ang mga kaso ng African Swine Fever sa bayan subalit hindi pa maaaring muling mag-alaga ng baboy ang mga naapektuhang hog raisers dahil isang buwan pang magsasailalim sa disinfection ang kulungan ng mga baboy sa affected area.
Magkakaroon rin ng karagdagang 20 araw na pahinga bago muling magsagawa ng assesment kung wala na ang virus.
Matapos nito ay maaari na umanong mag-apply muli mula sa red zone patungo sa pink zone kung wala ng maitatalang ASF cases.