LEGAZPI CITY- Pinirmahan na ng Local Government Unit ng Virac, Catanduanes, Virac MPS at iba pang mga ahensya ng gobyerno ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa Project Mental Health Awareness.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PSSgt. Renen Delos Reyes, information officer ng Virac Municipal Police Station, layunin ng proyekto na matatulungan ang sinumang nakararanas ng depression at iba pang problema sa kalusugang pangkaisipan
Kasama sa mga nagpirma ang Department of Education dahil sa marami aniyang mga kabataan ang mayroong mental health problems.
Pagbibigay-diin ng opisyal, kailangan nang mas higoitan ang kampanya para sa mental health awareness hanggang sa mga barangay upang matigil na ang ‘stigma’ na baliw ang mga taong kailangan ng tulong sa kanilang mental health.
Maliban sa nabanggit na mga ahensya, nakiisa rin sa pagbuo ng proyekto ang asosasyon ng mga barangay captain, school nurse, Sanguniang Kabataan, Municipal Social Welfare and Development Office upang masigurong mapabilis ang implementasyon nito