LEGAZPI CITY – Sarado na ngayon ang isang pribadong mini zoo sa lungsod ng Masbate matapos na mag-viral dahil sa pusa na umano’y pinakain sa ahas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr. Wayne Laurio, President ng Philippine Medical Association Masbate Chapter, lumabas sa isinagawang imbestigasyon na walang business permit o mayor’s permit at inisyu mula sa Department of Environmental and Natural Resources.
Mayroon aniya ito na application noong 2018 pa subalit para sa pagtatayo ng amusement park at hindi zoo.
Payag naman ang may-ari na ipasaro ang zoo dahil na rin sa paglabag sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Sa pagtatanong-tanong, ayon sa caretaker ng zoo ay aksidente lang na nakapasok sa kulungan ng ahas ang pusa at hindi ito ipinakain sa sawa.
Maluwag at sira na umano ang kadena ng cage kung kaya’t nakapasok ang pusa, na dapa ayon kay Laurio ay siyang may pinakamahigpit na seguridad lalo pa’t maraming mga bata ang
namamasyal sa lugar.
Sa ngayon ay hinahanap na ang umano’y nakatakas na pusa upang patunayang hindi ito ipinakain sa ahas, kung saan nagsuhestiyon pa ang caretaker na ipa-ultrasound ang sawa upang malaman ang katotohanan.
Samantala, ayon kay Laurio ay maaari namang magsampa ng reklamo sa naturang zoo basta mayroong sapat na ipapakitang ebidensya.