LEGAZPI CITY – Inaasan ng Private Schools Athletic Association (PRISAA) na lalampas P50 milyon ang makukuhang revenue ng Legazpi City sa hosting ng national games.
Sa Press conference sinabi ni PRISAA National President Edgar Balasta, na karamihan sa mga delegado ay mga teenager na hindi lamang atleta kundi mga turista na rin na mamamasyal sa Bicol.
Sa computation ng PRISAA tinatayang aabot sa P93 milyon ang kabuohan na posibleng gastosin ng mga delegasyon kasama na ang akomodasyon, transportasyon, pagkain at iba pa na malaking tulong sa ekonomiya.
Dagdag pa ni Balasta na nasa lungsod na ang aabot sa 10,000 na mga atleta, coaches at iba pang mga officials na mangunguna sa malaking sporting event.
Samantala, sa hiwalay na panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Legazpi City Mayor Geraldine Rosal tiwala itong makakamit ng lungsod ang malaking revenue.
Binibigyang diin pa nito na pinaghandaan ng lokal na gobyerno ang pagdating ng delegasyon kasabay ng pagtitiyak na magiging maganda ang mga kaganapan sa national games.
Mag-uumpisa ang PRISAA bukas July 21 at magtatapos sa biyernes July 26.