LEGAZPI CITY – Stable ang presyo ng paracetamol sa Albay, batay sa monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DTI Albay Provincial Director Dindo Nabol, nasa 26 na drugstores ang kasama sa kanilang monitoring mula sa una hanggang ikatlong distrito ng Albay.
Mayroon naman umanong suplay ng paracetamol maliban na lamang sa isang known brand ng gamot.
Sa pakikipag-usap sa mga kawani ng drugstores, napag-alaman na kung Enero ang inventory ng suplay ng manufacturer ng naturang gamot habang nagkaroon ng pansamantalang pagtigil sa produksyon.
Kasabay din nito ang pagkakaroon ng mataas na demand.
Samantala, inaasahan namang magbabalik na sa normal ang suplay ngayong linggo o sa susunod na linggo.