LEGAZPI CITY- Muling tumaas ang presyo ng itlog sa Pilipinas ng halos P2 ang bawat piraso.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Francis Uyehera ang pangulo ng Philippine Egg Board Association, epekto ito ng pagtaas ng demand ng itlog sa mga palengke.
Kasabay pa yan ng pagbalik ng mas malaking size ng itlog dahil natapos na ang El NiƱo na nakakaapekto sa mga manok.
Ayon kay Uyehera, kung dati ay nasa P3.50 hanggang P4 ang presyo ng bawat piraso ng itlog, ngayon ay umaabot na ito ng P5.60 hanggang P8 depende sa size.
Hindi naman inaalis ng Philippine Egg Board Association ang posibilidad na tataas pa ang presyo nito lalo na ngayong mahigpit pa rin na binabantayan ang bird flu, idagdag pa ang malamig na panahon na posibleng makaapekto sa produksyon ng itlog sa bansa.