LEGAZPI CITY-Bumaba ang presyo ng isda sa Daraga Public Market sa Legazpi ngunit kakaunti ang mga mamimili nito.
Ayon kay Nanay Mila Gueverra, isang fish vendor sa Daraga Public Market, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na mahina ang presyo ng mga isda tulad ng Bangus, Bolinaw, Sibubog, at Yellow fin tuna.
Mula sa presyong P200 pesos, nasa P120 na lang ang Yellow fin tuna, nasa P160 pesos naman ang galungong at P140 pesos ang ibinababa ng Bangus.
Dagdag pa ng fish vendor, na mas mababa ang bentahan ng kanilang mga isda dahil sa pagbubukas umano ng eskwela mula Hunyo.
Aniya, nagpupursige sila sa kabila ng mahinang benta ng kanilang mga produktong isda.