Muling nagpaalala si Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero sa mga miyembro ng prosekusyon at depensa kaugnay ng mga online statements at social media posts na may kinalaman sa nagpapatuloy na paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Escudero, dapat na i-presenta ng naturang mga kampo ang kanilang argumento sa pamamagitan ng ‘proper channel.’

“You know who you are and based on the records we know who you are.” ani Escudero.

Samantala, hinikayat rin nito ang mga Senator-judges na manatiling politically impartial sa pagpapasya sa naturang kaso.

“The court must first look inward and put its own house in order.” dagdag pa ng naturang presiding officer.