LEGAZPI CITY – Posibleng sa susunod na buwan pa maisasapinal at maipapakilala ng Democrats ang kanilang susunod na Presidential candidate para sa November elections.
Kasunod ito ng pormal ng pag-atras ng kandidatura ni United States President Joe Biden.
Ayon kay Marlo Callada ang Bombo International News Correspondent sa United States, bagaman mismong si Biden na ang nag-endorso kay Vice President Kamala Harris para sa presidential elections, may mga proseso pang kailangang pagdaanan bago ito maisapinal.
Sa kalagitnaan ng Agosto ay magsasagawa pa ng Democratic National Convention upang mapag-usapan at makapagdesisyon ang mga delegado ng partido kung sino talaga ang tatakbo bilang presidential candidate.
Kabilang sa mga pinagpipilian ay sina Harris, California Governor Gavin Newsom at Mitchigan Governor Gretchen Whitmer.
Subalit dahil sa endorso ni Biden at iba pang mga prominenteng Democrats ay nangunguna ngayon si Harris sa nominasyon.
Inaasahan naman ng Democrats na hindi gaanong makakaapekto sa popularidad ni Republican Presidential candidate Donald Trump ang ginawang pag-atras ni Biden.