LEGAZPI CITY- Aminado ang grupong Bantay Bigas na nahaharap sa malaking hamon si President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa nakatakdang pag-upo niyo bilang secretary ng Department of Agriculture (DA).
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Cathy Estavillo ang tagapagsalita ng Bantay Bigas, kailangan ng matinding reporma sa DA upang matanggal na ang mga isyu ng korapsyon at illigal smuggling na ipinupukol sa ahensya.
Idagdag pa diyan umano ang maraming trabaho na kailangang gawin upang makabawi ang sektor ng agrikultura na napabayaan na ang mga nakaraang administrasyon.
Malaking problema rin umano ang pinangangambahang global food crisis na dala ng patuloy na gera ng Russia at Ukraine.
Panawagan ng grupo sa susunod na administrasyon na matupad ang matagal ng hiling na pagkakaroon ng subsidiya sa sektor ng agrikultura upang matugonan ang malaking pangangailangan sa pagkain ng bansa.