LEGAZPI CITY – Nanindigan ang election watchdog na Kontra Daya na hindi dapat ipagsawalang bahala ng Commission on Election (Comelec) ang premature campaigning.
Ayon kay Kontra Bayan convenor Prof. Danny Arao, isang Professor sa University of the Philippines, journalist at educator sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, hindi pa man campaign period ngunit may naglalabasan ng mga mukha ng kandidato na nakalagay sa tarpaulin at iba pang produkto.
Mahigpit rin aniya na ipinagbabawal ang paglalagay nito sa mga vaccination sites ngunit may mangilan-ngilan ng nakikita.
Aniya hindi man masasabing direktang nangangampanya subalit malinaw kung ano ang gustong iparating nito sa mga tao.
Nanawagan rin si Arao sa publiko na ipagbigay alam o kunan ng larawan o video ang anumang may kinalaman sa premature campaigning at maari itong ipadala sa kanilang social media account.
Ilan lang aniya nito sa kanilang mahigpit na binabantayan bilang election watchdog upang maiwasan ang dayaan ngayong papalapit na ang halalan 2022.