LEGAZPI CITY – Umapela ngayon ang namamahala sa designated Provincial Quarantine Facility sa Albay ng tulong sa Personal Protective Equipment (PPE) at iba pang health essentials habang nasa laban kontra sa coronavirus disease.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr. Randy Asuncion, OIC Chief of Hospital sa Albay Provincial Drug Rehabilitation and Treatment Facility, nagkakaubusan at nagkukulang na ang PPE ng mga tauhan sa dagsa ng mga dumarating na Locally Stranded Individuals (LSI).

Nabatid na umaabot ng 200 hanggang 300 ang daily average ng mga dumarating na LSIs sa lalawigan.

Kabilang sa mga ipinapanawagan nito ang PPE, face mask, alcohol at gloves na magagamit ng mga medical frontliners.

Sa ngayon, nagsasagawa na lamang ng estratehiya ang mga ito upang mapagkasya ang kakulangan sa gamit.

Dr. Randy Asuncion, OIC Chief of Hospital sa Albay Provincial Drug Rehabilitation and Treatment Facility

Aminado rin ang opisyal na marami nang tauhan ang nag-resign sa banta ng COVID-19 subalit pasalamat sa ilang nag-volunteer na pumasok sa delikadong trabaho.

Binabayaran naman umano ang mga ito ng daily wage at kinikilala ang patriotism at kabayanihan upang iiwas ang komunidad sa pagkalat ng sakit.

Dr. Randy Asuncion, OIC Chief of Hospital sa Albay Provincial Drug Rehabilitation and Treatment Facility