LEGAZPI CITY-Maaaring madagdagdan ang bilang ng mga Pilipinong mga mahihirap dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, ayon sa pag-aaral ng state-run think tank na Philippine Institute for Development Studies (PIDS)

Base sa kanilang pag-aaral, ipinakinata na kung ang krudo ay aabot sa $105 kada bariles at maipapasa ang 35% ng pagtaas sa lokal na presyo, tataas ang poverty rate sa Pilipinas mula 13.2% tungong 14.4%.

Dahil rito, maaring mga “near poor” o mga pamilyang bahagya lamang ang kita kumpara sa poverty line ang posibleng tuluyang mahulog sa kahirapan dahil sa pagtaas ng araw-araw gastusin.

Mas nararamdaman din umano ng mga mahihirap ang epekto dahil karamihan ay sapat lamang ang kita para sa mga pangunahing pangangailangan at wala silang malaking ipon.

Ayon PIDS, tinatayang hanggang 16.2% ang maaaring mabawas sa purchasing power ng mahihirap na pamilya, kumpara sa 3.4% lamang sa mayayaman.

Nagbabala rin ang think tank na kung umabot ng $125 hanggang $145 kada bariles ang presyo ng langis, maaaring umabot sa 2.35 milyon hanggang 3.5 milyong Pilipino ang magiging mahirap.

Mungkahi ng PIDS na nararapat lamang na tutukan ang tulong sa mahihirap at “near poor” na mga pamilya, kabilang ang mga minimum wage earners at iba pang bulnerableng mga grupo, upang maibsan ang epekto ng kasalukuyang krisis sa langis.