LEGAZPI CITY- Nagliyab ang isang poste ng Albay Electric Cooperative sa bahagi ng Rizal St. Barangay Baño, Legazpi City.

Dahil sa insidente ay nawalan ng suplay ng kuryente sa naturang lugar.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi na wala namang nasaktan sa insidente at hindi na kumalat pa ang apoy dahil agad namang naagapan ng mga kinauukulan.

Habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ang sanhi ng naturang sunog.