LEGAZPI CITY- Ikinatuwa ng Pork producers federation of the Philippines ang naging anunsyo ng Department of Agriculture kung saan uumpisahan na ang rollout ng mga bakuna kontra sa African swine Fever sa Pilipinas ngayong ika 3rd quarter ng taon.

Ayon kay Cong. Nicanor Briones, ang AGAP Partylist Representative at Chairperson ng Pork producers federation of the Philippines na ang bakuna kontra ASF ang magiging sagot sa naglalalang problema ng hog industry sa bansa.

Ito rin aniya ang magiging dahilan ng pagdami muli ng mga mag-aalaga ng baboy na magreresulta sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng karne at pagbaba ng presyo ng karne sa palengke.

Dagdag pa ng opisyal na mas maganda kung libre ang bakuna para hindi na ito dumagdag pa sa production cost na magagamit pa sa pangpuhunan ng mga hograisers.

Kung sakali anya na may bayad pa ito, ang hindi lahat na mga hograisers ang makakapagpabakuna ng kanilang mga alagang baboy.

Hindi na rin kinakailangan na mag import ng maraming baboy sa ibang bansa at maaari na umanong matulungan ang sektor ng magbababoy pati na rin ang mga konsyumer na namomoroblema sa taas ng presyo ng mga karne.

Kung babalikan, naglaan ng P350million na pondo ang gobyerno para sa procurement ng ASF vaccines kung saan target na mabakunahan ang mga nasa red at pink zones category ng ASF.