LEGAZPI CITY – Ikinatuwa ng Commission on Population (POPCOM) Bicol na bumagal ang population growth rate ng rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay POPCOM Bicol Planning Officer IV Josephine Chua, bumagal ng 1.02% ang population growth rate ng rehiyon mula 2015 hanggang 2019 mula sa 1.29% ng taong 2010 hanggang 2015.

Subalit hindi ito nangangahulugang hindi tumaas ang populasyon.

Paliwanag ni China na patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng populasyon sa rehiyon ngunit hindi kasing bilis tulad ng mga naunang census years.

Sa taong 2020 nasa 6.8 million na ang populasyon ng Bicol mula sa 5.8 million noong taong 2015.

Nilinaw rin ni Chuna na hindi pandemya ang naging dahilan ng pagbagal ng growth rate dahil buwan ng Marso 2020 ito nanalasa sa bansa.

Resulta aniya ito ng matagumpay na family planning methods at responsableng pagpapamilya dahil namulat na umano ang mga mag-aasawa sa hirap ng pagkakaroon ng maraming anak.