LEGAZPI CITY – Ikinababahala ng isang political analyst na posibleng matagalan na ang pagpasa ng mga batas ngayong magkakaiba na ang bloc sa Senado.

Kasunod ito ng tuluyang pagbaba bilang lider ng Senado ni Senador Juan Miguel Zubiri at pinalitan ni Senador Francis ”Chiz” Escudero.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jean Franco, political analyst at Professor sa University of the Philippines Department of Political Science, inamin mismo ni Zubiri na kinalangan na bumaba dahil sa mga instructions na hindi nasunod.

Maliban sa opisyal, bumaba rin sa pwesto ang ilang senador na kasama sa itinuturing na “Seatmates sa Senado,” na sina dating Majority Leader Joel Villanueva, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Nancy Binay bilang chairman kan Committee on Accounts, Tourism asin Ethics, Sonny Angara bilang chairman kan Finance and Youth, at Senador JV Ejercito bilang Deputy Majority Leader.

Binigyang diin ni Fajardo na implikasyon ito na magkakaiba na ang faction ng mga senador na nangangahulugang hindi na pareho ang mga pananaw o kaya’y may kanya-kanyang direksyon.

Sinabi nito na nakakalungkot isipin na maliit ang Senado subalit magkakaiba ang bloc na posibleng magresulta sa pagbagal o pahirapan na pagpasa ng batas.