LEGAZPI CITY- Malaki ang paniniwala ni Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino na malaki ang tsansa ng Pilipinas na makapag-uwi ng medalya sa nagpapatuloy na 2024 Paris Olympics.

Ayon sa opisyal na maaga pa para mawalan ng pag-asa lalo pa at maraming mga Filipino athletes pa ang hindi pa tapos ang laban.

Kabilang sa mga tinututukan ng opisyal ang mga Filipino boxers na malaki umano ang pag-asa na makapag-uwi ng medalya sa boxing, at weightlifting, gayundin si pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo at iba pa.

Matatandaan na kahapon ay nagsagawa ng misa sa Paris para sa mga atleta kung saan dumalo ang Filipino community, mga Filipino coaches at maging ang Philippine Olympic Committee President.

Samantala, nagpasalamat naman si Tolentino sa mainit na suporta na ipinapakita ng mga Pilipino sa mga atletang Pinoy.

Aniya, malaking tulong ito upang mas mapalakas pa ang kumpiyansa ng mga Filipino Olympians na may mga nakatakda pang laban sa mga susunod na araw.