LEGAZPI CITY – Naglatag na ng dagdag na mga tauhan ang Philippine National Police sa lalawigan ng Sorsogon kaugnay ng inaasahang dagsa na naman ng mga biyahero ngayong Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Police Major Arwin Destacamento ang tagapagsalita ng Sorsogon Police Provincial Office, isa ang kanilang lugar sa pangunahing dinadaanan ng mga bumabiyahe mula Manila pabalik sa kanilang mga lalawigan sa Visayas kung kaya asahan na ang pagdami ng mga biyahero.

Dahil dito, naglagay na ang Philippine National Police ng mga tauhan sa pantalan at iba pang pampublikong lugar bilang dagdag na seguridad sa mga pasahero.

Maglalagay rin ng mga motorist assisstance center sa mga kalye na handang rumesponde sa mga insidente ng krimen at mga medical emergencies.

Payo ng opisyal sa mga babiyahe ngayong semana santa na iwasan ang pagdala ng mga ipinagbabawal na bagay at sumunod sa mga alituntunin sa daan upang”O maging ligtas ang biyahe.