Ipinag-utos ni Philippine National Police chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga kapulisan na nagsasagawa ng checkpoints na huwag lamang tumutok sa mga motorsiklo at isama ang four-wheeled vehicles at iba pang uri ng mga sasakyan.

Ito matapos ulalin ng pagpuna ang umanoy tila diskriminasyon sa mga gumagamit ng motoriklo na regular na nagiging target ng mga checkpoint.

Paliwanag ng opisyal na hindi lamang ang mga gumagamit ng motorsiklo ang nasasangkot sa iligal na aktibidad kundi maging ang ba pang uri ng sasakyan.

Dahil dito ay papalawigin pa ang sakop ng Oplan Sita operations ng mga kapulisan.

Matatandaan kasi na unang tinutukan ang mga motorsiklo dahil tumaas na bilang ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga riding-in tandem.