LEGAZPI CITY- Naka full alert na ang pamunuan ng Philippine National Police sa Bicol region kaugnay ng pinangangambahang epekto ng bagyong Pepito.

Ayon kay Police Regional Office Bicol Director PBGen. Andre Dizon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakahanda na ang mga water assets ng tanggapan upang agad na magamit sa panahon na kinakailangan ng rescue ng mga mamamayan.

Siniguro naman ng opisyal na sapat ang mga kapulisan na ilalatag upang tumulong sa panahon ng sakuna.

Nabatid rin na tumulong na ang mga kapulisan sa pagpapatupad ng pre-emptive evacuation sa mga lalawigan ng Sorsogon, Camarines Sur, at Albay.

Matatandaan kasi na ang naturang mga lugar ang pinaka naapektuhan noong manalasa ang bagyong Kristine.

Samantala mahigpit naman ang paalala ni Dizon sa mga kapulisan na i-secure na ang kanilang mga pamilya upang maayos na makapag lingkod sa komunidad sakaling tuluyan ng maka apekto sa rehiyon ang naturang sama ng panahon.

Nakikipag-ugnayan rin ang mga kapulisan sa mga lokal na pamahalaan upang masiguro na matututukan pa rin ang iba pang mga kriminalidad sa panahon ng pananalasa ng bagyong Pepito.