LEGAZPI CITY- All systems go na an kapulisan sa rehiyong Bicol para sa pagsisimula ng election period ngayong araw.
Ayon kay Police Regional Office Bicol Director Police Brig. General Andre Dizon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na na nagpakalat ng nasa 4,000 na mga kapulisan sa buong rehiyon ng Bicol.
Ito ay upang makapagsagawa ng mga Commission on Election Checkpoints lalo na sa mga strategic areas.
Nabatid na ilang mga lugar ang tututukan lalo na ang mga may banta sa seguridad.
Pinangangambahan kasi na sa kabila ng pagpapatupad ng gun ban ay makapagtala pa rin ng mga violators na posibleng magdulot ng kaguluhan.