LEGAZPI CITY-Inanunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na inihain na para sa isang ‘preliminary investigation’ ang ilang mga kaso kontra kina Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at Sen. Loren Legarda.
Sa pahayag ni Ombudsman Remulla, ang mga reklamo isasailalim sa ‘preliminary investigation stage’ ay ang plunder, graft, at conflict of interest.
Dagdag pa niya na ang mga reklamong ito sa Solar firm o kumpanya ng mambabatas na bigong tuparin ang pangako o responsibilidad makapagbahagi ng ‘Solar energy’ para sa bansa.
Paliwanag ng tanodbayan kung bakit kasama maging ang nanay ng mambabatas na si Sen. Loren Legarda sa kaso ay dahil sa paggamit umano nito ng posisyon bilang ‘chairman’ noon ng Senate Finance Committee para mabigyan ng prangkisa si Rep. Leviste.











