West Philippine Sea
West Philippine Sea

LEGAZPI CITY – Pabor ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa plano ng Department of Education (DepEd) na ituro sa mga estudyante sa Grade 10 ang West Philippine Sea at ang Hague arbitral ruling.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay TDC Chairperson Benjo Basas, maganda ang naturang hakbang dahil mapapataas nito ang critical thinking ng mga mag-aaral.

Hindi lamang value system at patriotism ang maituturo kundi maging ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas.

Aniya, mapapalaya nito ang mga kabataan sa pagiging ignorante partikular na sa mga foreign relation at international law.

Subalit pagbibigay diin ni Basas na dapat handa ang mga guro na magtuturo ng naturang usapin.

Hiling nito sa DepEd na magkaroon ng training ang mga guro o fundamental orientation at magbigay ng mga learning materials na dumaan sa scrutiny ng mga eksperto.

Ito ay upang hindi mawala ang mga guro sa pagtuturo lalo pa’t malalim na pag-aaral ang kinakailangan sa West Philippine Sea at Hague arbitral ruling.