LEGAZPI CITY – Pumalo na sa mahigit P6.8 billion ang iniwang pinsala ng mga nagdaang bagyo sa island province ng Catanduanes.
Batay sa Catanduanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, pinakamalaking pinasalang iniwan ng Bagyong Rolly sa mga imprastraktura na nasa P5.2 billion na.
Sa sektor ng agrikultura, umakyat na rin sa P1.59 billion ang danyos ng bagyo.
Pinakamalaking pinsala nito sa industriya ng Abaca na pangunahing hanapbuhay ng mga residente.
Nasa 15,214 rin ang totally damaged houses at 28,169 partially damaged houses sa buong lalawigan.
Mismong si Gov. Boboy Cua ang naghayag na matatagalan bago makabalik sa normal ang buhay sa naturang lalawigan.