LEGAZPI CITY – Pumalo na sa P50.84 million ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura sa Bicol matapos ang pagtama ng bagyong Amang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DA Bicol spokesperson Lovella Guarin, aabot sa 1,330 na ektarya ng agricultural areas sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate at Sorsogon ang naapektuhan.

Dahil dito tinatayang nasa 1,074 metric tons ang volume ng production loss.

Aabot naman sa P23.5 million ang pinsala sa agricultural infrastructure kabilang na ang mga irrigation systems.

Habang umabot naman sa P14.99 million ang halaga ng pinsala sa 233 na ektarya ng mais na may 410 metric tons na produksyon.

Nasa P8.07 milyon ang halaga ng pinsala sa rice sector, na nakaapekto sa 1,017 na ektarya ng lupa at 436 metric tons ng bigas.

Nananatili naman sa P126,000 ang halaga ng pinsala sa livestock at poultry sa Sorsogon.

Samantala, tiniyak ni Guarin na mayroong nakahandang programa ang tanggapan kung sakaling humingi ng tulong ang mga naapektuhang magsasaka