LEGAZPI CITY—Umabot na sa mahigit P561 milyon ang pinsalang naitala sa mga paaralan sa lalawigan ng Catanduanes kasunod ng pananalasa ng Bagyong Uwan.


Ayon kay Schools Division Office Catanduanes Division Information Officer Atty. Norlito Agunday, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, halos lahat ng 268 paaralan sa lugar ay apektado ng bagyo lalo na ang mga nasa coastal barangays.


Aniya, nakapagtala ang kanilang opisina ng minor damages na nasa 1,527 classrooms; major damages sa 368 classrooms; at totally totally damaged na nasa 119 classrooms.


Gayunpaman, sinabi rin ng opisyal na ang nasabing ulat ay subject for validation pa ng kanilang division office para sa final costing.


Dagdag ng opisyal na kinakailangan nila ngayon ang temporary learning facilities habang hinihintay ang long-term repair ng mga apektadong silid-aralan.


Mensahe naman ni Atty. Argunday na ginagawa ng Department of Education ang lahat ng hakbang upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral.