LEGAZPI CITY–Umakyat na sa mahigit P1.5 bilyon ang naitala na pinsala sa sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Catanduanes kasunod ng pananalasa ng Bagyong Uwan.
Ayon kay Catanduanes Governor Patrick Alain Azanza, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, binisita rin ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang kanilang lugar at tinalakay kung anong suporta ng gobyerno ang maaaring maipaabot sa kanilang mga Abacaleros.
Kabilang dito ang pag-release ng crop insurance, livelihood kits, mga trainings at TUPAD upang makahanap ng trabaho at kita ang mga magsasaka habang hinihintay ang pagbangon ng sektor ng agrikultura sa probinsya.
Samantala, nanawagan din ang opisyal sa mga nais tumulong na pwede nilang maihatid nang direkta ang kanilang tulong sa mga apektadong residente.
Gayudin na kung ang tulong ay ipapadala sa pamamagitan ng kanilang tanggapan ay tiniyak ng opisyal na makakarating ito sa kanilang mga piling benepisyaryo.











