LEGAZPI CITY – Pumalo na sa P367. 5 million ang inisyal na damage assessment sa sektor ng agrikultura sa Region IV-A o CALABARZON dahil sa paputok ng Bulkang Taal.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DA Calabarzon Regional Director Arnel de Mesa, pinakamalaking pinsala sa high value crops na nasa P299 million; livestock sa P20 million; mais sa P41. 5 million; at palay na aabot sa P7 million.
Apektado ng natuang kalamidad ang mahigit sa 10, 000 na magsasaka.
Inaasahang madadagdagan pa ang naturang tala lalo pa at mula pa lamang ito sa Batangas at Cavite habang hindi pa nakakapasok sa mismong Taal lake ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para pinsala sa fisheries sector.
Dahil itinaas ang Alert Level 4 status, hindi muna pinapayagang makapasok sa danger zones ang sinumang residente.
Tinitingnan namang malaki ang magigin epekto sa produksyon ng kapeng barako sa iba’t ibang variety, sa unang quarter ng taon ang nangyari, lalo na at umakyat na sa P200 million ang pinsala dito.