LEGAZPI CITY – Umaabot na sa P254 milyon ang pinsalang dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Provincial Agriculturist Office assistant Daryl John Buenconsejo, mula ito sa mga nasirang pananim sa bayan ng Camalig, Pio Duran, Libon, Polangui, Oas at sa lungsod ng Ligao.
Sa kabuohan ay nasa 3,000 ektarya na ng taniman ang hindi mapakinabangan matapos na matuyo ang irigasyon at magbitak-bitak ang lupa.
Upang matulongan ang mga magsasaka, nakikipag-ugnayan na ngayon ang provincial government sa Department of Agriculture para sa paglalagay ng mga solar pumps na siyang gagamitin sa irigasyon ng mga sakahan.
Samantala, sa kabila ng malaking pinsala wala pa ring plano ang provincial government na magdeklara ng state of calamity dahil kaya pa naman umanong matugonan ang epekto nito.