LEGAZPI CITY- Pumalo pa sa humigit kumulang P29 million ang inisyal na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine sa sektor ng agrikultura sa Bicol region.
Ayon kay Department of Agriculture Bicol spokesperson Lovella Guarin sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na inaasahan na madaragdagan pa ang naturang bilang dahil maraming lalawigan pa ang hindi nakakapag sagawa ng assesment dahil may mga lugar pa ring hindi madaanan.
Batay sa inisyal na ulat mula sa tatlong lalawigan sa rehiyon, aabot sa 665 na mga magsasaka ang naapektuhan.
Nabatid na ang palayan ang pinaka napinsala matapos bahain dahil sa ilang araw na mga pag-ulan.
Ayon pa kay Guarin nakatutok rin ngayon ang tanggapan sa pagdi-deploy ng mga assets upang tumulong sa pagpapaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng naturang kalamidad.
Siniguro rin ng opisyal na sapat ang tulong na ipapamahagi ng ahensya para sa mga naapektuhan na mga magsasaka upang muling makabangon ang mga ito.