Nakapagtala ng kasaysayan ang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo matapos itong magkampiyon sa men’s vault competition ng 2024 Paris Olympics.

Nangibabaw ang tibay ng Pinoy na nakakuha ng 15.116 na puntos.

Dahil dito, dalawang gintong medalya na ang kanyang naiuwi sa kompetisyon.

Ito na ang kauna-unahang pagkakataon na may atleta ang Pilipinas na nakapag-uwi ng dalawang gold medals sa Olympics.

Una na rin na nagkampiyon si Yulo sa floor exercise na ginanap kahapon.