Maganda ang pagsisimula ng kampanya ni Pinay boxer Aira Villegas sa Paris Olympics.
Wagi kasi si Villegas via unanimous decision laban kay Morrocan bet Yasmine Mouttaki sa women’s 50 kg rason upang makapasok na ito sa round of 16.
Nakuha ng Pinay pride ang unang round sa matapos magbigay ng score na 10 ang limang mga judges habang 9 naman kay Mouttaki.
Subalit pagpasok ng ikalawang round ay pumabor naman ang ilang hurado sa Morrocan bet na nakakuha ng 9-10-10-9-10 habang 10-9-9-10-9 naman kay Villegas.
Pagdating ng huling segundo ng third round ay nagpakawala na si Villegas ng power punches para makuha ang una nitong panalo.