Isang Pilipina sa Kingdom of Saudi Arabia ang hinatulan ng parusang bitay dahil sa pagpatay sa isang Saudi national.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na ginawa nila ang lahat upang madepensahan ang naturang Pinay subalit hindi sila nagtagumpay.

Nabatid na nagpadala pa ang tanggapan ng presidential letter of appeal subalit hindi naisalba ang buhay ng naturang akusado.

Tumanggi naman ang opisyal na magpalabas ng iba pang detalye hinggil sa isyu bilang pagrespeto sa kahilingan ng pamilya nito sa Pilipinas.