LEGAZPI CITY- Muling naghain ng kandidatura ang pinatalsik na si Albay Governor Noel Rosal para sa pagka gobernador sa lalawigan.
Matatandaan na pinababa sa pwesto ng Ombudsman si Rosal matapos sampahan ng reklamo dahil sa iligal na pamamahagi ng pondo sa kahit pa umiiral na noon ang election spending ban.
Nanawagan naman ito sa mga botante na bumoto ng tama kasabay ng umiinit na labanan sa politika sa lalawigan.
Ang asawa naman nito na si suspended Legazpi City Mayor Gie Rosal ay muling tatakbo bilang alkalde ng lungsod.
Si Mayor Gie ay sinuspinde matapos umanong makinabang sa pamamahagi ng pondo ng kaniyang asawa bago pa man ang 2022 elections.
Samantala, maraming mga tagasuporta naman ng dalawa ang dumulog rin sa tanggapan ng komisyon upang magpahayag ng suporta.