Target ngayon ng Department of Health na makapag procure ng nasa 2,000 doses ng mpox vaccines para sa bansa.
Ito ay kasunod ng babala ni Health Secretary Teodoro Herbosa na posibleng community transmission ng mpox.
Matatandaan kasi na nakapagtala na ng kaso ng sakit sa bansa na isang pasyente na walang history ng pagbiyahe sa ibang mga bansa.
Tinamaan ng mild na kaso ng Clade II variant ang isang 33-anyos na pasyente mula sa Metro Manila.
Matatandaan na una ng idineklara ng World Health Organization ang mpox bilang emergency health concern dahil sa paglobo ng kaso ng natuang sakit sa Africa, na naitala na rin sa ilang mga bansa tulad ng Thailand at Sweden.