Lumabas sa pag-aaral ng Program for International Student Assessment (PISA) na ang Pilipinas ay tinaguriang bullying capital sa buong mundo.
Ito ay batay sa pahayag ni Executive Director of the Education Commission II Karol Mark Yee sa isang pahayag.
Dahil dito ay iginiit ng opisyal ang kahalagahan ng pagtutok sa kahalagahan ng guidance counseling.
Subalit ayon kay Yee na nadiskubre na mayroong nasa 5,000 na vacancies sa Department of Education subalit halos wala aniyang nag-aalok ng Masters in Guidance Counseling sa buong bansa.
Nabatid pa na nasa 300 lamang ang average graduation numbers kada taon sa naturang kurso.
Kung pupunuan aniya ang lahat ng bakanteng posisyon ay posible pang abutin ng nasa 14 taon.
Matatandaan kasi na ang mga guidance counselors ang siyang nangunguna sa pag-handle ng mga kaso ng bullying.