PBBM in Commission on the Status of Women session

LEGAZPI CITY- Naging kontento ang ilang mga Pilipino sa mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-70 session ng Commission on the Status of Women sa New York.

Ayon kay Bombo Interational News Correspondent Rosemarie Vasquez na maganda na magkaroon ng pagkakataon na makita sa international scene ang pangulo ng bansa na isinusulong ang kapakanan ng kababaihan.

Isa umano ito sa mga paraan upang mabigyang diin ang paglaban sa diskriminasyon sa mga kababaihan at pagpapanagot sa mga may pagkakasala sa mga kababaihan.

Dagdag pa nito na maganda na maisulong ang patuloy na pagpapalakas ng karapatan at women equality na sumasalamin sa mga polisiya ng Pilipinas.

Aminado ito na sa kasalukuyan ay maituturing pa rin na kulang ang access sa edukasyon, economic empowerment at oportunidad sa trabaho para sa maraming kababaihan.

Samantala, nanawagan rin si Vasquez na magkaroon ng samahan ng mga abogadong Pilipino sa Amerika na magtatanggol sa mga Pilipinong kababaihan na biktima ng karahasan dahil nahihirapan ang mga ito na sumangguni sa mga dayuhang abogado.