LEGAZPI CITY-Wala nang na-detect na anumang volcano-tectonic earthquakes sa bulkang Bulusan sa probinsya ng Sorsogon, kumpara sa mga naitala nitong Martes, Agosto 1.
Sa kabila nito sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mariton Bornas, Chief of Volcano Monitoring and Eruption Prediction ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHVIVOLCS), sinabing kahit tahimik o mapayapa ang naturang bulkan ay posible pa ring magkarooon ng phreatic eruption.
Ito ay dahil sa nakitang pamamamaga sa Timog-silangang bahagi ng Bulusan na dulot ng Hydro-Thermal activity na posibleng magesulta rin sa nabanggit na parametro o aktibidad.
Ayon sa opisyal, marami ring uri ng pag-aalburoto ang posibleng ipakita ng Bulusan, una na rito ay ang phreatic o steamed-driven eruption na may dalang mga abo, hanggang sa umabot sa pangalawa, ito ay ang phreato-magmatic eruption kung saan mas malalaki ang mga sumasabay na Pyroclastic density current(PDC), at ang pangatlo ay ang effusive eruption ng bulkang Mayon na naglalabas ng lava o tinatawag na lava effusion.
Aniya, isang siglo na ang nakakaraan ay wala nang naiulat nang pangatlong uri ng eruption o lava effusion.
Samantala, nilinaw ng ahensya na hindi kakailanganin na itaas ang Alerto ng bulkang Bulusan na kasalukyang nasa Alert Level 0 upang magsilbng babala dahil posible aniya ang phreatic eruption anumang oras, hung hindi ay dapat umanong palagian na lumayo sa four kilometer permanennt danger zone.