LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng isang phreatic eruption sa bulkang Taal na tumagal ng dalawang minuto.

Maliban dito ay naitala rin ang limang volcanic tremors sa bulkan.

Ayon sa tala na ipinalabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay patuloy rin ang pag-impis ng Taal Caldera na may pamamaga sa hilaga at timog silangang bahagi ng Taal Volcani island.

Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang alert level 1 sa naturang bulkan.

Dahil dito ay patuloy na pinag-iingat ang publiko sa paglapit sa paligid nito.