bulkang-mayon
bulkang-mayon

LEGAZPI CITY – Nagpaalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa mga bayan na nasa paanan ng bulkang Mayon sa pagdating ng La Niña na posibleng magdulot ng lahar flow.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mariton Bornas ang Chief ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ng ahensya, posibleng makaranas ng malakas na mga pag-ulan ang lalawigan lalo na sa buwan ng Agosto.

Maaari itong magdulot ng lahar flow kung saan posibleng bumagsak ang mga volcanic materials mula sa taas ng bulkan.

Dahil dito, mahigpit umano ang gagawing pagbabantay ng ahensya sa volume ng bumabagsak na ulan sa paligid ng bulkan lalo na sa mga gullies nito.

Maliban diyan ay hindi pa rin naaalis ang posibilidad na muling magkaroon ng phreatic eruption ang bulkan na nasa alert level 1 pa rin.

Sa ngayon ay patuloy pang bumababa ang mga parametrong binabantayan kagaya ng volcanic earthquake at rockfall event na paisa-isa na lamang ang naitatala.