LEGAZPI CITY – Patuloy na namo-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang hydrothermal activity ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ayon kay resident volcanologist April Dominguiano sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nagkakaroon ng degassing activity na posibleng magresulta sa biglaan na steam driven eruption.
Dahil dito, patuloy na pinag-iingat ang publiko na nakatira malapit sa Bulkang Bulusan at pinayuhan din ang mga lokal na pamahalaan na bantayan ang mga residente na posibleng maapetukhan.
Dagdag pa ni Dominguiano na isa pa sa mga binabantayan ng ahensya ang biglaan na pagkakaroon ng eruption na kung sasabayan ng mga pag-ulan ay posibleng magdulot ng pagbaba ng lahar at makaapekto sa mga nakatira malapit sa ilog at gullies ng naturang bulkan.
Samantala, nakita rin ang pagsingaw sa northwest vents ng naturang bulkan.