LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na naobserbahan ang pagbaba na ng aktibidad ng ilang parametro ng bulkang Mayon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Resident Volcanologist Dr. Paul Alanis, bumaba na ang bilang ng mga naitatalang volcanic earthquake.
Subalit kahit may pagbaba sa naturang parametro, kailangan pa rin na panatilihin sa alert level 3 ang status ng Mayon.
Ito ay dahil tuloy-tuloy pa rin ang lava flow, volcanic tremor at rockfall events maging ang pamamaga sa lower slope ng bulkan.
Ayon kay Alanis, mahaba pang obserbasyon ang kinakailangan upang ma-assess kung maaari nang ibaba ang alert level o hindi pa.
Aminado rin ito na hindi pa sa masabi sa ngayon kung ilang linggo o buwan pa aabutin ang pag-aalburoto ng bulkan, subalit umaasa na magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng aktibidad ng mga parametro.