LEGAZPI CITY- Pumalo pa sa mahigit 164 na mga aftershocks ang naitala sa lalawigan ng Masbate matapos ang 4.7 magnitude na lindol noong nakalipas na linggo.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology Masbate volcanologist Leni Torevillas sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ang naturang mga aftershocks ay may lakas na nasa pagitan ng magnitude 1.3 hanggang magnitude 4.
Ang naturang mga kaganapan ay patunay lamang umano na aktibo ang Philippine fault line, Masbate segment.
Dahil dito ay muling nagpaalala ang opisyal sa publiko ng pagiging handa sa anumang sitwasyon.
Samantala, pinawi naman ni Torevillas ang pangamba ng publiko sa posibleng tsunami na maitala sa lalawigan.
Aniya, magkakaroon lamang ng aftershocks kung ang epicenter ng lindol ay nasa dagat at nasa magnitude 6.5 pataas ang lakas.