LEGAZPI CITY- Muling iginiit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, na nanantiling nasa Alert Level 3 ang status ng bulkang Mayon at hindi pa ibababa ang alerto nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr. Paul Alanis, Philippine Institute of Volcanology and Seismology Resident Volcanoligist sa Mayon Observatory, ito ay dahil sa patuloy pa ring mga aktibidad ng bulkan.
Kasama na irto ang naitalang pagbaba pa ng lava flow sa 1 kilometer mula sa 600 meters sa bahagi ng Basud Gully.
Habang sa pinakahuling datos mula alas-5 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi, nakapagtala ng 79 rockfall events kung saan tatlo ang nagresulta sa pyroclastic density currents, 68 volcanic eartquake kabilang na ang 48 volcanic tremors.
Dagdag pa ng opisyal, kahit pa aniya tila masyado ng matagal ang pag-aalburuto ng bulkang Mayon, hindi pa rin nakikitaan ng rason upang ibaba na ang alert level nito.