LEGAZPI CITY – Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magnitude ng lindol na naranasan sa Masbate.
Mula sa 4.5 Magnitude na lindol na unang lumabas sa Phivolcs Earthquake Information ginawa na itong 4.7 mag. dahil sa pagpasok ng mas accurate data.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr. Paul Alanis, Resident Volcanologist ng Phivolcs sinabi nitong pati ang sentro ng lindol ay nabago mula sa dating sa San Jacinto ay napalitan na ito ng Baleno sa lalawigan parin ng Masbate.
Dagdag pa ni Alanis na as of 1:40 ngayong hapon ay mayroon ng siyam na aftershocks ang naitala matapos ang main shock kaninang 11:29 ng tanghali na naramdaman sa mga kalapit na mga bayan at lalawigan.
Matatandaan na una ng nakapagtala ng tatlong magkakasunod na lindol ang Baleno kaninang alas 10 ng umaga bago ang main shock kung kaya nakapagtala na ng kabuang 13 lindol sa Masbate.