LEGAZPI CITY – Umaksyon na ang Philippine Red Cross (PRC) sa pag-aabot ng tulong sa mga inilikas bunsod ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa Batangas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Senator Richard Gordon, chairman ng PRC, dapat na maiging paghandaan ang pangangailangan ng mga nasa evacuation center lalo na’t hindi inaasahan ang mga ganitong kalamidad.
May mga naka-standby na rin aniyang ambulansya sa mga evacuation center sa pagmonitor at pagresponde sa mga sakit na dulot ng bagsak ng abo partikular na ang respiratory sickness.
Ipinadala rin maging ang mga health volunteers para sa mga bata habang ready na ang lahat ng emergency at hygiene kits para sa mga apektadong lugar kabilang na ang 1, 800 na n95 face masks.
Maliban pa rito, ipamamahagi rin ang mga damit, sapatos, kumot at tubig na aniya’y pinakamahalaga sa ngayon at magtatayo ng portable comfort room.