Matnog Port Sorsogon| Photo courtesy: Dann Christian Amoncio Quiawan


LEGAZPI CITY – Naka-heightened alert na ngayon ang Philippine Port Authority (PPA) para sa dagsa ng mga pasahero at sasakyan sa Matnog Port sa Sorsogon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Matnog Port Acting Division Manager Achilles Galindes, nakalatag na ang lahat ng security protocols at safety protocols sa pantalan.

Kasunod ito ng pagdoble ng bilang ng mga pasahero at sasakyang tatawid papuntang Visayas ngayong ilang araw na lang bago ang Kapaskuhan.

Ayon kay Galindes wala namang problema sa buhos ng mga pasahero dahil nakahanda ang mga pasilidad ng pantalan.

Kasabay din nito ang pag-implementa ng blue lane at one stop shop policy ng lalawigan katulong ang PPA, Philippine National Police, Philippine Coast Guard at mga government agency sa pagmamando ng pila ng mga sasakyan.

Samantala, nilinaw naman ni Galindes na walang dapat pang dagdag na binabayaran ang mga pasahero sa paggamit ng pantalan.

Ito ay matapos ang reklamo ng mga pasahero kaugnay sa mga humihingi ng dagdag na bayad lalo na ngayong peak season at dagsa ang mga umuuwi sa kanilang lalawigan.