LEGAZPI CITY – Dalawang linggo pa na obserbarasyon ang kinakailangang hintayin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology upang malaman kung kinakailangan ng ibaba ang alert level status ng bulkang Mayon,

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Resident volcanologist Dr. Paul Alanis, nakitaan ng pagbaba ang ilang parametro ng bulkan tulad na lamang ng mga naitatalang lava effusion at rockfall events.

Habang nananatili pa rin na elevated o mataas ang bilang ng mga naitatalang volcanic earthquakes at sulfur dioxide emission.

Nangangahulugan ito na delikado pa rin ang sitwasyon ng bulkan kung kaya’t kinakailangan na panatilihin ang pagbabantay sa trends ng volcanic activities dahil araw-araw ay may pagbabago sa bilang ng mga parametro.

Bunsod nito, hindi pa masabi kung kailan pwedeng ibaba ang alert level status ng Mayon na nananatili pa rin sa Alert Level 3 at kinakailangan pa ng mahaba-habang obserbasyon.

Nilinaw naman ni Alanis na walang kinalaman sa mga aktibidad ng bulkan ang mga naitatalang sama ng panahon o mga pag-ulan sa lalawigan.